Tungkol sa Amin

Minsan isang Lunes, naupo ang pitong di naman kagandahan at kagwapuhang mga indibidwal para magusap ukol sa kanilang kinabukasan.

Ang unang nagsalita ay nagpahayag ng kanyang takot, ipinunto ang lahat ng totoo (na siya nga namang "kabagabagabag").

Ang sumunod ay nagtanong kung ano ba ang mga posibilidad, solusyon at alternatibo.

At isa-isa na silang nagmungkahi ng kani-kanilang opinyon.

Subalit anuman ang gawin nila ay hindi nila maipinta ano ang tunay na sagot sa tanong na:  Ano ba ang mangyayari sa atin?

Tumahimik sila at dun nagsimula ang lahat.

Naniniwala ang gumawa ng "Libre ang Mangarap" na may kapangyarihan ang isang iminungkahing salita.  Hindi man doon yun nagtatapos, sigurado kami na doon siya nagsisimula.

At ito ang dahilan kung bakit nabuo ang website na ito. 

Ninanais namin bigyan ang mga nangangarap sa mundo ng paraan upang imungkahi ang kanilang salita sa lahat ng tao na nagiinternet.